HABAGAT

 

HABAGAT 8-17-2016

Ngayong buwan ng Agosto, mag-iingat tayo
Sa malakas na ulan,  dala ng hanging mula sa Timog Kanluran
Southwest monsoon, ang tawag ng karamihan
Pero Habagat ang  tawag  ng ilan.

Ang pagdalaw mo sa aming kapuluan,
Ay aming pinaghandaan
Pagbuhos  ng  malakas na ulan
Ay aming inaasahan.

Sa malakas at walang humpay na pag-ulan,
Maraming pagbaha ang matutunghayan,
sa mga mababang lugar, dito sa kamaynilaan
At sa bahagi ng Bulacan, Pampangga at Pangasinan.

Pagtaas ng tubig, sa dam at mga ilog
Na naging dahilan ng pagbaha, at paglubog.

Hatid nito sa amin ay pangamba,
Sa bawat hagupit na iyong dala
Maraming lugar ang iyong pininsala.
Supply ng tubig at kuryente minsa’y nawawala.

Malakas na hangin,
Buhawi kong tawagin
Sa Maynila ay minsan napansin
Sumira ng ilang gusali,
At kabahayan.
kabilang din sa mga nasawi
mga  buhay ng ilan nating kababayan.

Tama Na, Habagat!
Kailan ka titigil?
Sa masama mong layunin.
Ako ay nagsusumamo
Sana’y panalangin ko, 
Sa taas ay dinggin.
Tanging Kaligtasan ng bawat isa,
Ang tangi kong dalangin.

Sapagkat buhay ay mahalaga
Kaligtasan ng bawat isa
Ang tanging yaman natin.

Mga gabing kay lamig
Haplos ng hangin ang aking kabig
Ayoko ng matapos ang gabi na di ka kasama.
Pero ang paglisan mo, dulot nito sa lahat ay ginhawa.

Kaya’t panandaliang saya ko, ayoko na maramdaman pa
Habagat, isa kang mapaglinlang
Huwag mo akong tuksuhin.
Sa mainit na panahon, mga paglalambing mo
Aking hahanapin.

Ngunit sa pagising ko, sintang Haring Araw
Ang nais kong makapiling.
Kaya’t inaabangan ko na masilayan
Si bahaghari, ito’y palatandaan
Na ikaw ay tuluyang lumisan.***—***

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

The Brown Almond

"Love. Health. Wealth. Food. Lifestyle. Books. Movies. Travel. Friends. Memories."

Nelly Cherry

I WRITE WHAT'S IN MY SOUL

roads bel travelled

Exploring open roads without breaking the bank

Great Glance Opportunity

Say hello to a liberating perspective

%d bloggers like this: