Pagpag

Maraming mga kuwento dito sa ating mundo,
kadalasan ang tinatalakay ay buhay ng mga tao,
Bagamat itong kwento ko,
ay hango sa isang dokumentaryo.

Ito ay kwento ng mga pamilyang,
sa basura ay nabubuhay.
Habang pinapanood ko ito,
damdamin ko ay nalumbay.
Kirot  mula sa kahapon,
ay bahagyang  nabuhay.

Di ko inakala sa mundong ginagalawan,
paghihikahos ng mga dukha ay sukdulan.

Lumaki din naman ako sa hirap,
pagkain sa araw-araw ay hindi sapat.
Kadalasan kapag walang ulam,
asukal o asin ang nagpapasarap sa kanin.
Sa bawat subo, mga pagkaing masarap,
sa aking isipan larawan nila ay nakatatak. 

Kahit mahirap ang buhay,
ni minsan di ko naranasan kumain mula sa Pagpag.
Sa aming tahanan,
kapag merong tirang pagkain 
mga pusa at aso,
sila ang laging magkasalo.

Ituloy natin ang aking kwento,
Pagpag dito, yan ang kanilang bagong motto,
Paghahalungkat ng basura ang pangunahing trabaho.
Kung dati-rati mga pangangalakal ng mga plastik at bote,
ngayon maging mga tirang pagkain,
sa basurahan ay kinakalakal na rin.
Bawat pagpag sa mga tira-tirang pagkain,
dulot din nito ay ginhawa sa ilang mahihirap na kababayan natin.

Mga pagkain gaya ng fried chicken,
kanin at spaghetti ay laman tiyan din.
Nakakalungkot nga lang isipin,
ano nga ba ang lunas sa ganitong suliranin?
Na kasalukuyan sa bansa ay talamak na din,
marahil, ito’y nangangailangan ng masususing pansin.

Pagsugpo sa kahirapan,
sana ay maging pangunahing layunin.
Libreng Edukasyon, pagamutan at Pabahay,
sana ay tuluyang  maibigay.

Dahil di lahat ng tao,
ay ipinanganak na maswerte at mayaman.
Kahit sabihin nating huwag maging tamad,
magsikap ka para sarili mo ay umunlad.

Ngunit ang tanong,
paano na ang mga batang walang kinagisnang magulang?
Kalye ang nagsilbing tahanan,
ipinagkait sa kanila ang magandang kinabukasan.
Masisi ba natin sila,
Na maging kasangkapan
Sa droga at krimen?

Na naging problema,
sa ating kumunidad.

Ngayon kayo ang humusga,
kung tama nga ba,
na pagkaitan sila ng ayuda,
ng pamahalaan na may ibang prioridad,
at tuluyan ng binabaliwala ang kanilang responsibilidad.

 ***-***

pagpag

pagpag1

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

UNLIMBITED TREE SERVICE, INC.

Unlimbited Tree Service was started with one goal in mind: To enhance the beauty and value of residential and commercial properties while ensuring the safety of their occupants. With Unlimbited, you know that you're getting the very best.

The Brown Almond

"Love. Health. Wealth. Food. Lifestyle. Books. Movies. Travel. Friends. Memories."

%d bloggers like this: