Tulala

Sa pagtulog ko mga ngiti mo ang aking nakikita
Sa panaginip ikaw at ako ay masaya
Ngunit sa umaga pagdilat ko ako pala’y nag-iisa
Isang magandang panaginip ikaw ay laging kasama

Tulala ang isip, tulala ang puso
Hindi alam kung ano ang gagawin ko
Pagod na ang pusong masaktan
Pagod na ang isip na maghintay at lumaban

Sa aking pag-iisa akala mo ako’y masaya
Nagtatalo ang puso at isip sa tuwina
Dapat ko bang ipaglaban ang aking nararamdaman
O sundin ang sinasabi ng pusong tama na para walang masaktan

Tulala ang isip, tulala ang puso
Kung tuluyan kang lalayo
Sana isama mo itong pusong bigo
Ayoko nang maramdaman pa ang bawat yugto***—***

Kaibigan Lang Pala

Ang puso kong nagmamahal
Habang buhay sayo’y maghihintay
Minsa’y naging masaya sa kakarampot na pag-asa
Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro

Inamin ng puso na ikaw ay mahal
Umaasang sa bawat minuto ay muling makapiling ka
Lahat ng pangamba ay unti-unti nang nawawala
Ang pangarap na tayong dalawa ay habang buhay na magsasama

Ngunit paano na ngayong mayroon ka ng iba
Sabi mo sa piling niya ay hindi ka masaya
Sa bawat pagluha mo, puso ko’y nagdurusa
Sumbat sa kahapon, ngayo’y paano na

Hindi ko kayang mabuhay na wala ka
Kaya tiniis kong  maging kaibigan mo lang pala
Magkalayo man tayo ng tuluyan
Sa puso’t isip ko, ikaw pa rin ang nag-iisang mahal
****-****

Komento:

Ang tulang ito ay para sa mga nagmahal at nasaktan, umasa, naghintay at nasaktan muli. Ang pag-ibig ay minsan lang matagpuan sa mundong ito, kung nagmahal man tayo sa maling tao, sa maling pagkakataon, isipin na lang natin na ang bawat sandali na ating ginugol para mahalin sila ay isa sa pinakamasaya at natatanging pangyayari na mararanasan natin.  Minsan kailangan natin masaktan bago natin mapagtanto kung ano talaga ang hinahanap ng ating puso. Sa mga ganitong pagkakataon hindi natin maiiwasang walang masaktan. Kailangang may masaktan at kadalasan yung nasasaktan natin ay yung mga taong espesyal sa buhay natin. Isang taong mahal natin bilang isang kaibigan dahil sila ay naging bahagi nang ating buhay.

Blog at WordPress.com.

Up ↑

The Brown Almond

"Love. Health. Wealth. Food. Lifestyle. Books. Movies. Travel. Friends. Memories."

Nelly Cherry

I WRITE WHAT'S IN MY SOUL

roads bel travelled

Exploring open roads without breaking the bank

Great Glance Opportunity

Say hello to a liberating perspective